Ibang Hugis Ibang Kulay

Ikaw ay tuwid, ako nama'y hindi
Pero 'di ibig sabihin na ako'y mali
'Di mo alam ang aking pinagdaanan
Wala kang karapatang ako ay husgahan

'Di ko kailangan ang maging tulad mo
Ang kailangan ko lang ay maging ako
Iba-iba tayo, dapat mong tanggapin
May mga bagay na 'di kayang baguhin

Huwag mong isipin ang sinasabi ng mundo
Ang damahin ay pag-ibig ng lumikha sa 'yo
Walang lamang, walang angat sa bawat isa
Lahat tayo'y pantay-pantay sa paningin N'ya

Nakikita mo ba itong bulag sa harap mo?
Walang maaninag, madilim ang mundo
'Di man makakita ang mga matang 'to
Pag-ibig ng Diyos, malinaw sa kanyang puso

S'ya ma'y isang bulag at s'ya nama'y pipi
Na ngayo'y nagtagpo at nagkatabi
Kinukutya at pinagtatawanan dati
Ngunit ang totoo, inspirasyon ng marami

Huwag mong isipin ang sinasabi ng mundo
Ang damahin ay pag-ibig ng lumikha sa 'yo
Walang lamang, walang angat sa bawat isa
Lahat tayo'y pantay-pantay sa paningin N'ya

May gustong maglakad, ngunit tanong paano?
Nakakalungkot, bakit nagkaganito?
Ngunit, sinabi mong lilipad na lang ako
Gagamitin kong pakpak ng pangarap ko

Aanhin ko ang paa sa 'king sitwasyon?
'Di ko naman mahabol takbo ng panahon
Ang kailangan ko ngayon ay pag-asa
Magtatawid sa akin sa isa pang umaga

Huwag mong isipin ang sinasabi ng mundo
Ang damahin ay pag-ibig ng lumikha sa 'yo
Walang lamang, walang angat sa bawat isa
Lahat tayo'y pantay-pantay sa paningin N'ya

Magkaiba man ang ating anyo
Pakatandaan mo na walang perpekto
Taliwas man ako sa iyong pamantayan
Sa 'ki'y may magmamahal ng walang hanggan

Huwag mong isipin ang sinasabi ng mundo
Ang damahin ay pag-ibig ng lumikha sa 'yo
Walang lamang, walang angat sa bawat isa
Lahat tayo'y pantay-pantay sa paningin N'ya

Huwag mong isipin ang sinasabi ng mundo
Ang damahin ay pag-ibig ng lumikha sa 'yo
Walang lamang, walang angat sa bawat isa
Lahat tayo'y pantay-pantay sa paningin N'ya, ah

Lahat tayo'y pantay-pantay sa paningin N'ya



Credits
Writer(s): Noel Cabangon, Vice Ganda
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link