Sayang

Sayang, bakit hindi kita niligawan?
Ngayon, ako'y nanghihinayang
Kasi naman, tatanga-tanga pa ako noon
Walang humpay na paghintay sa hindi dumarating na pagkakataon

Lagi naman kitang nakakasama
Ewan ko kung bakit ba wala akong nagagawa
Kahit na napakadali mong kausapin
Ewan ko ba kung bakit ang hirap pa ring aminin

Madalas naman tayong naglolokohan
Dinadaan ko na lang sa biro ang tunay kong nararamdaman
Kaya siguro, hindi mo sineryoso, aking mga sinabi
'Yan tuloy, walang nangyari

Sayang, bakit hindi kita niligawan?
Ngayon, ako'y nanghihinayang
Kasi naman, tatanga-tanga pa ako noon
Walang humpay na paghintay ng pagkakataon

Kakalipas lamang ng isang sem
No'ng makita kita na mayroon ibang kasama
Magkahawak ang inyong mga kamay
Ang dibdib ko ay sumikip, ang paglunok ko ay naipit

Aking napatunayan na nasa huli ang pagsisisi
Para bang gusto kong umiyak
Ngunit para saan pa, wala namang magagawa

Sayang, bakit hindi kita niligawan?
Ngayon, ako'y nanghihinayang
Kasi naman, tatanga-tanga pa ako noon
Walang humpay na paghintay sa hindi dumarating na pagkakataon

Pagkakataon
Pagkakataon
Pagkakataon



Credits
Writer(s): Chito Miranda
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link