Ikaw Lang At Ako

Kay tagal na rin natin sa isa't isa
'Di ko na mabilang pa, ilang taon na ba?
Ngunit hanggang ngayon, ikaw pa rin, sinta
Ang nasa puso ko at kaluluwa

Dahil ang pag-ibig ko sa 'yo ay hindi magbabago
Kahit kailan, ikaw lamang ang mananatili sa puso ko
Habang-buhay ay ikaw lang at ako

Sa lungkot at sa saya, ikaw ang kasama
'Di kailangang magduda, wala namang iba
Dahil hanggang ngayon, ikaw pa rin, sinta
Ang nasa puso ko at kaluluwa

Dahil ang pag-ibig ko sa 'yo ay hindi magbabago
Kahit kailan, ikaw lamang ang mananatili sa puso ko
Habang-buhay ay ikaw lang at ako

'Di malilimutan ang pangako ko sa 'yo
Nang sa habang-buhay ay ikaw lamang at ako

Dahil ang pag-ibig ko sa 'yo ay hindi magbabago
Kahit kailan, ikaw lamang ang mananatili sa puso ko, oh
Habang-buhay ay ikaw lang at ako
Habang-buhay ay ikaw lang at ako, oh-whoa, oh-whoa, oh-whoa

Habang-buhay ay ikaw lang at ako



Credits
Writer(s): Janno I Gibbs
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link