Hanggang Kailan (Umuwi Ka Na Baby)

Labis na naiinip
Nayayamot sa bawa't saglit
Kapag naaalala ka
Wala naman akong magawa

Umuwi ka na, baby
'Di na ako sanay nang wala ka
Mahirap ang mag-isa
At sa gabi'y hinahanap-hanap kita

Hanggang kailan ako maghihintay na makasama kang muli
Sa buhay kong puno ng paghihirap?
At tanging ikaw lang ang pumapawi sa mga luha
At naglalagay ng ngiti sa mga labi

'Di mapigilang mag-isip
Na baka sa tagal, mahulog ang loob mo sa iba
Nakakabalisa
Knock on wood, 'wag naman sana

Umuwi ka na, baby
'Di na ako sanay nang wala ka
Mahirap ang mag-isa
At sa gabi'y hinahanap-hanap kita

Hanggang kailan ako maghihintay na makasama kang muli
Sa buhay kong puno ng paghihirap?
At tanging ikaw lang ang pumapawi sa mga luha
At naglalagay ng ngiti sa mga labi

Umuwi ka na, baby
Umuwi ka na, baby
Umuwi ka na, baby
Umuwi ka na, baby
Umuwi ka na, baby
Umuwi ka na, baby



Credits
Writer(s): Clemen Castro Castro, Marco Fundales
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link