Halina, Lumapit sa Akin

Kaibigan, tantuin mong
Isang paglalakbay ang buhay
Sangasangang landas ay may kahirapan
Kung ang lungkot o panganib sa yo'y
Biglaang dumalaw

O kung ikaw ay mapagod
Sa bigat ng 'yong pasan
Panginoon ang balingan
Panginoon ang samahan
Wika Niya'y halina lumapit sa Akin
Kayong mga napapagal Aking pagiginhawain
Bigat ng inyong pasanin
Ay Aking pagagaangin
Halina kaibigan
Lumapit sa Akin

Kaibigan tantuin mong
Isang paglalayag ang buhay
Maalon ang dagat at may kalaliman
Kung may unos at may hanging 'di mo

Kayang labanan
O sa gabing kadiliman
Ni tala ay walang tanglaw
Panginoon ang balingan
Panginoon ang samahan!
Wika Niya'y halina lumapit sa Akin
Kayong mga napapagal Aking pagiginhawain
Bigat ng inyong pasanin
Ay Aking pagagaangin
Halina kaibigan
Lumapit sa Akin



Credits
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link