Pasko Ng Pag-Ibig

Handa na ba ang ating sarili
Sa pagdating ng Tanging Napili?
Ialay sa Kanya ang papuri't
Pasasalamat ng ating lipi

Limutin na ang mga alitan
Ang karamutan at pag-aaway

Magmahalan, magbigayan, at magkasundo
Iwaksi ang galit sa ating mga puso
Punuin na ng saya't ligaya ang mundo
Panahon ng pag-ibig ang Pasko

Katotohanan N'ya ay sabihin
Kadakilaan N'ya ay awitin (awitin)
Dinggin daing ng kapwa natin
Kapayapaan sa mundo'y hiling

Limutin na ang mga alitan
Ang karamutan at pag-aaway

Magmahalan, magbigayan, at magkasundo
Iwaksi ang galit sa ating mga puso
Punuin na ng saya't ligaya ang mundo
Panahon ng pag-ibig ang Pasko

Maging pag-asa sa ating kapwa
Maging huwaran ng pag-unawa
Pigilan lahat ng pagdurusa
Dukha at api'y bigyang kalinga

Magmahalan, magbigayan, at magkasundo
Iwaksi ang galit sa ating mga puso
Punuin na ng saya't ligaya ang mundo
Panahon ng pag-ibig ang Pasko
Panahon ng pag-ibig ang Pasko

Ang Pasko
(Panahon, panahon, panahon)
Panahon ng pag-ibig (ng pag-ibig, ng pag-ibig)
A-ang Pasko



Credits
Writer(s): Lui Morano
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link