Tanging Hiling

Nagdarasal, nagsusumamo
Sana'y pakinggan ang panalangin ko
Nakikiusap, sana'y tulungan Mo
Na tumagal pa ang buhay ko

Nalulungkot ako at umiiyak
Bigyan pa ng pag-asa, ako'y mabuhay pa

Tanging hiling ko lang, Panginoong Hesus
Humaba pa sana'ng buhay ko
'Di ba sabi mo, manalig lang ako?
Ikaw ang Dakilang manggagamot ko, oh

Tanging hiling ko lang, Panginoong Hesus
Humaba pa sana'ng buhay ko
Lumalapit at naniniwala sa 'yo
Gagaling ako dahil sa tulong Mo

Heto ako, nagmamakaawa
Damdamin ko'y lubos na nahihirapan
Puso at isip ko, nananampalataya sa 'yo
May pag-asa pa na darating

Nalulungkot ako at umiiyak
Bigyan pa ng pag-asa, ako'y mabuhay pa

Tanging hiling ko lang, Panginoong Hesus
Humaba pa sana'ng buhay ko
'Di ba sabi mo, manalig lang ako?
Ikaw ang Dakilang manggagamot ko, oh

Tanging hiling ko lang, Panginoong Hesus
Humaba pa sana'ng buhay ko
Lumalapit at naniniwala sa 'yo
Gagaling ako dahil sa tulong Mo

Gagaling ako dahil sa Iyo



Credits
Writer(s): April Boy Regino
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link