Umiiyak Ang Puso

Ang buong akala ko noon
Ay tayo nang dalawa ang magkasama
Nguni't bakit biglang naglaho?
Tamis ng pagmamahal ay nasaan na?

Umiiyak ang puso ko
Paano na ako ngayon
Iniwan mo akong
Nag-iisa't nagdurusa
Sa piling ko'y wala ka na
At may minamahal ka nang iba

Bakit kaya damdami'y nagbago?
Ikaw, ako, tuluyan nang nagkalayo
Tanong ng isip, bakit nangyari 'to?
Kulang pa ba ang pag-ibig na inalay ko?

Umiiyak ang puso ko
Paano na ako ngayon
Iniwan mo akong
Nag-iisa't nagdurusa?
Sa piling ko'y wala ka na
At may minamahal ka nang iba

Nasanay na ang puso na kasama ka
Hinahanap pa rin kita, ikaw lang at walang iba

Umiiyak ang puso ko
Paano na ako ngayon
Iniwan mo akong
Nag-iisa't nagdurusa?
Sa piling ko'y wala ka na
At may minamahal ka nang iba

Sa piling ko'y wala ka na
At may minamahal ka nang iba



Credits
Writer(s): Rolando Azor
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link