Inang Mahal

Inang mahal
Mariang Ina sa kandungan mo'y nahimlay
Ang sanggol mong aming buhay

Pakinggan mo
At ihatid aming mga panalangin
Kay Hesus na kaligtasan namin

Pag-ibig mo, Inang kay tamis
Ipadama mo sa aming tumatangis
Turuan mo kaming magmahal
Kay Hesus, aming Tagapagligtas

Inang mahal
Huwaran ka ng pagsisilbi sa Diyos
Sa pag-akap mo kay Hesus

Pakinggan mo
Ang panalangin naming matularan ka
Sa tindi ng pag-ibig mo sa Kanya

Pag-ibig mo, Inang kay tamis
Ipadama mo sa aming tumatangis
Turuan mo kaming magmahal
Kay Hesus, aming Tagapagligtas



Credits
Writer(s): Rene San Andres
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link