Nang Dahil Sa Pag-Ibig

Nang dahil sa pag-ibig, tayo ngayo'y tao
Nang dahil sa pag-ibig, tayo ay may puso
Minsan, ang mata natin ay may luha
Minsa'y patawa-tawa nang dahil sa pag-ibig

Nang dahil sa pag-ibig, tao'y nagbabago
Nang dahil sa pag-ibig, nag-iibang anyo
Kung mayro'ng pag-ibig sa bawat puso
Mawawala ang galit sa mundo

(Nang dahil sa pag-ibig, tayo ngayo'y tao)
(Nang dahil sa pag-ibig, tayo ay may puso)
Minsan, ang mata natin ay may luha
Minsa'y patawa-tawa nang dahil sa pag-ibig

Nang dahil sa pag-ibig, tao'y nagbabago
Nang dahil sa pag-ibig, nag-iibang anyo
Kung mayro'ng pag-ibig sa bawat puso
Mawawala ang galit sa mundo

Nang dahil sa pag-ibig, mundo ay may kulay
Nang dahil sa pag-ibig, pag-asa ay buhay
Kung mayro'ng pag-ibig sa bawat puso
Mawawala ang galit sa mundo



Credits
Writer(s): Vic Villafuerte
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link