Humayo't Ihayag

Humayo't ihayag
At ating ibunyag
Pagliligtas ng Diyos na sa krus ni Hesus
Ang siyang sa mundo'y tumubos
Langit at lupa, Siya'y papurihan
Araw at tala, Siya'y parangalan
Ating pagdiwang pag-ibig ng Diyos sa tanan

Halina't sumayaw
Lukso sabay sigaw
Ang Ngalan Niyang angkin, 'sing ning-ning ng bituin
Liwanag ng Diyos sumaatin
Langit at lupa, Siya'y papurihan
Araw at tala, Siya'y parangalan
Ating pagdiwang pag-ibig ng Diyos sa tanan

At isigaw sa lahat
Kalinga Niya'y wagas
Kayong dukha't salat
Pag-ibig Niya sa inyo'y tapat

Humayo't ihayag
At ating ibunyag
Pagliligtas ng Diyos na sa krus ni Hesus
Ang siyang sa mundo'y tumubos
Langit at lupa, Siya'y papurihan
Araw at tala, Siya'y parangalan
Ating pagdiwang pag-ibig ng Diyos sa tanan

Halina't sumayaw
Lukso sabay sigaw
Ang Ngalan Niyang angkin, 'sing ning-ning ng bituin
Liwanag ng Diyos sumaatin
Langit at lupa, Siya'y papurihan
Araw at tala, Siya'y parangalan
Ating pagdiwang pag-ibig ng Diyos sa tanan

Ating pagdiwang pag-ibig ng Diyos sa tanan
Sa tanan
Ating pagdiwang, pag-ibig ng Diyos
Sa tanan



Credits
Writer(s): Johnny Go, Manoling Ancisco
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link