Sa Hapag Ng Panginoon

Sa hapag ng Panginoon
Buong bayan ngayo'y nagtitipon
Upang pagsaluhan ang kaligtasan
Handog ng Diyos sa tanan

Sa panahong tigang ang lupa
Sa panahong ang ani sagana
Sa panahon ng digmaan at kaguluhan
Sa panahon ng kapayapaan

Sa hapag ng Panginoon
Buong bayan ngayo'y nagtitipon
Upang pagsaluhan ang kaligtasan
Handog ng Diyos sa tanan

Ang mga dakila't dukha
Ang banal at makasalanan
Ang bulag at lumpo, ang api at sugatan
Ang lahat ay inaanyayahan

Sa hapag ng Panginoon
Buong bayan ngayo'y nagtitipon
Upang pagsaluhan ang kaligtasan
Handog ng Diyos sa tanan

Sa aming pagdadalamhati
Sa aming pagbibigay-puri
Ano pa mang pagtangis, hapo't pasakit
Ang pangalan N'ya'y sinasambit

Sa hapag ng Panginoon
Buong bayan ngayo'y nagtitipon
Upang pagsaluhan ang kaligtasan
Handog ng Diyos sa tanan



Credits
Writer(s): Manuel V Francisco, Lui Morano
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link