Pag-Aalay Ng Sarili

Panginoong Hesus ako ay nakikiisa
Sa 'Yong walang hanggan at walang katapusang
'Sangkatauhang pag-aalay

Iniaalay ko ang aking sarili sa bawat araw ng aking buhay
At sa bawat sandali ng bawat araw ayon
Sa 'Yong pinaka banal at kagalang-galang na kalooban

Ikaw ang naging alay para sa 'king kaligtasan
Nais kong ako'y maging alay mg 'yong pag-ibig

Tanggapin Mo ang aking ninanasa
Kunin Mo ang aking handog
Malugod Mong pakinggan ang aking hinaing

Itulot Mong sa 'Yong pag-ibig ako mamatay
Itulot Mong sa 'Yong pag-ibig ako mabuhay
Itulot Mong ang huling pintig ng aking puso ay
Maging tanda ng isang wagas na
Pag-ibig ng isang wagas na pag-ibig



Credits
Writer(s): Lionel Valdellon
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link