Kapayapaan

Nang ang buhay ko noo'y laging nangangamba
Ang pagluha'y di ko kaya at walang patutunguhan
O Hesus nang Ikaw nga ang makilala ko
Ang lahat 'Yong pinanatag, ang lahat inayos Mo

Kapayapaan na nagmumula sa'yo
Naranasan ko dito sa buhay ko
Kapayapaang noon pa man hinihintay
Aking Panginoon sa aking buhay

Sa gitna man ng unos, kung ang takot ay ganap
Sa pagtawag kay Hesus, papayapa ang lahat

Kapayapaan na nagmumula sa'yo
Naranasan ko dito sa buhay ko
Kapayapaang noon pa man hinihintay
Aking Panginoon sa aking buhay
Sa aking buhay



Credits
Writer(s): Arnel Sj
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link