Kanlungan

Yahweh, alam kong Ika'y naririto
Lagi na, tuwina sa tabi ko
Sa kapahamakan, inililigtas ako
Sa buhay na walang hanggan, akay-akay Mo

Puso ko'y 'Yong nasiyasat, batid Mo ang lahat-lahat
Ang aking mga panlulumo at ang aking mga pagtayo
Kamay ko ay lagi Mong tangan, kahit sa bingit ng kamatayan
Yakap Mo ako sa 'Yong bisig, kanlungan ko ang 'Yong pag-ibig

Yahweh, alam kong Ika'y naririto (Ika'y naririto)
Lagi na, tuwina sa tabi ko (sa tabi ko)
Sa kapahamakan, inililigtas ako
Sa buhay na walang hanggan, akay-akay Mo
Ooh-ooh-ooh-ooh-ooh

Pag-ibig Mo'y s'an tatakasan? Sa rurok ng langit 'Ka'y nariyan
Ikaw ang kaagapay saanman ako maglakbay
Sa ningning man ng araw, hahantungan lagi ay Ikaw
Yakap Mo ako sa 'Yong bisig, kanlungan ko ang 'Yong pag-ibig

Yahweh, alam kong Ika'y naririto (Ika'y naririto)
Lagi na, tuwina sa tabi ko (sa tabi ko)
Sa kapahamakan, inililigtas ako
Sa buhay na walang hanggan, akay-akay Mo

Sa buhay na walang hanggan, akay-akay Mo
Ooh-ooh-ooh-ooh-ooh, ooh



Credits
Writer(s): Onofre Pagsanghan
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link