Hesus Ng Aking Buhay (From "The Best of Himig Heswita")

Sikat ng umaga
Buhos ng ulan
Simoy ng dapit-hapon
Sinag ng buwan
Batis na malinaw
Dagat na bughaw
Gayon ang Panginoon kong Hesus ng aking buhay

Saan man ako bumaling
Ika'y naroon tumalikod man sayo
Dakilang pag-ibig mo sa akin tatawag
At magpapaalalang ako'y iyong ginigiliw
At siyang itatapat sa puso

Tinig ng kaibigan
Oyayi ng ina
Pangarap ng ulila
Bisig ng dukha
Ilaw ng may takot
Ginhawa ng aba
Gayon ang Panginoon kong Hesus ng aking buhay

Saan man ako bumaling
Ika'y naroon tumalikod man sayo
Dakilang pag-ibig mo sa akin tatawag
At magpapaalalang ako'y iyong ginigiliw
At siyang itatapat sa puso

Saan man ako bumaling
Ika'y naroon tumalikod man sayo
Dakilang pag-ibig mo sa akin tatawag
At magpapaalalang ako'y iyong ginigiliw
At siyang itatapat sa puso



Credits
Writer(s): Arnel Dc Aquino Sj
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link