Pagkakaibigan (Based on John 15, from "Hangad")

Ang sino man sa aki'y mananahan
Mananahan din ako sa kanya
At kung siya'y mamunga nang masagana
Siya sa ama'y nagbigay ng karangalan

Mula ngayon kayo'y aking kaibigan
Hinango sa dilim at kababaan
Ang kaibiga'y mag-aalay ng sarili niyang buhay
Walang hihigit sa yaring pag-aalay

Kung paanong mahal ako ng aking Ama
Sa inyo'y aking ipinadarama
Sa pag-ibig ko kayo sana ay manahan
At bilin ko sa inyo ay magmahalan

Mula ngayon kayo'y aking kaibigan
Hinango sa dilim at kababaan
Ang kaibiga'y mag-aalay ng sarili niyang buhay
Walang hihigit sa yaring pag-aalay

Pinili ka't hinirang upang mahalin
Nang mamunga't bunga mo'y panatilihin
Humayo ka't mamunga nang masagana
Kagalakang walang hanggang ipamamana

Mula ngayon kayo'y aking kaibigan
Hinango sa dilim at kababaan
Ang kaibiga'y mag-aalay ng sarili niyang buhay
Walang hihigit sa yaring pag-aalay



Credits
Writer(s): Bong Abad Santos Sj, Charlie Cenzon Sj
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link