Magasin

Nakita kita sa isang magasin
Dilaw ang 'yong suot at buhok mo'y green
Sa isang tindahan sa may Baclaran
Napatingin, natulala sa iyong kagandahan

Naaalala mo pa ba no'ng tayo pang dal'wa?
'Di ko inakalang sisikat ka
Tinawanan pa kita, tinawag mo 'kong walang hiya
Medyo pangit ka pa no'n, ngunit ngayon, hey

Iba na ang 'yong ngiti, iba na ang 'yong tingin
Nagbago na'ng lahat sa 'yo, oh, oh, oh
Sana'y hindi nakita, sana'y walang problema
'Pagkat kulang ang dala kong perang pambili
Ooh, pambili sa mukha mong maganda

Siguro ay may kotse ka na ngayon
Rumarampa sa entablado, damit mo'y gawa ni Sotto
Siguro ay malapit ka na ring sumali
Sa Supermodel of the Whole Wide Universe, kasi

Iba na ang 'yong ngiti, iba na ang 'yong tingin
Nagbago na'ng lahat sa 'yo, oh, oh, oh
Sana'y hindi nakita, sana'y walang problema
'Pagkat kulang ang dala kong pera, yeah

Nakita kita sa isang magasin
At sa sobrang gulat, 'di ko napansin
Bastos pala ang pamagat, dali-daliang binuklat
At ako'y namulat sa hubad na katotohanan, hey

Iba na ang 'yong ngiti, iba na ang 'yong tingin
Nagbago na'ng lahat sa 'yo, oh, oh, oh
Sana'y hindi nakita, sana'y walang problema
'Pagkat kulang ang dala kong pera, kasi

Iba na ang 'yong ngiti, iba na ang 'yong tingin
Nagbago na'ng lahat sa 'yo, oh, oh, oh
Sana'y hindi nakita, sana'y walang problema
'Pagkat kulang ang dala kong perang pambili
Ooh, pambili sa mukha mong maganda

Nasa'n ka na kaya? Sana ay masaya
Sana sa susunod na issue ay centerfold ka na, ha, ha, ha-ah
Ooh, ooh-ooh, ooh-ooh, ooh-ooh



Credits
Writer(s): Buendia Ely Eleandre
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link