Spoliarium

Madilim ang paligid
May tumawag sa pangalan ko
11 palapag
Tinanong kung okay lang ako

Sabay abot ng baso
May naghihintay
At bakit ba 'pag nagsawa na ako
Biglang ayoko na?

At ngayon, 'di pa rin alam
Kung ba't tayo nandito
Pwede bang itigil muna
Ang pag-ikot ng mundo?

Lumiwanag ang buwan
San Juan, 'di ko na nasasakyan
Ang lahat ng bagay
Ay gumuguhit na lang sa 'king lalamunan

Ewan ko at ewan natin
Sino'ng may pakana?
At bakit ba tumilapon
Ang gintong alak d'yan sa paligid mo?

At ngayon, 'di pa rin alam
Kung ba't tayo nandito
Pwede bang itigil muna
Ang pag-ikot ng mundo?

Umiyak ang umaga
Ano'ng sinulat ni Enteng at Joey d'yan
Sa gintong salamin?
'Di ko na mabasa 'pagkat mayro'ng nagbura

Ewan ko at ewan natin
Sino'ng may pakana?
At bakit ba tumilapon
Ang spoliarium d'yan sa paligid mo?

At ngayon, 'di pa rin alam
Kung ba't tayo nandito
Pwede bang itigil muna
Ang pag-ikot ng mundo?

Pwede bang itigil muna
Ang pag-ikot ng mundo?
Pwede bang itigil muna
Ang pag-ikot ng mundo?

Ang pag-ikot ng mundo, ang pag-ikot ng mundo
Ang pag-ikot ng mundo, ang pag-ikot ng mundo
Ang pag-ikot ng mundo, ang pag-ikot ng mundo
Ang pag-ikot



Credits
Writer(s): Buendia Ely Eleandre
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link