Leron (feat. Trisha Macapagal)

Pikit-mata, tumahan na
'Di ko naman pinangarap
Ang iyong paglisang 'di sinasadya

Pagmamahal, oras
At haplos ng 'yong kamay
Ang aking hanap
Ika'y nagkulang at ngayo'y nangungulila

Leron, leron, leron, oh, aking sinta
Binigay ko ang lahat sa 'yo, kulang pa ba?
Masdan mo lang akong mahulog sa sanga
Pagdating sa dulo, ika'y humanap ng iba

Patawad kung nasaktan ko
Ang iyong damdamin
'Di ko naman sinasadya
'Di na tayo 'yung dating dalawa

Sinubukan na (sinubukan ba?)
Pagbigyan ang 'yong mga hiling (iyong dinggin ang aking hiling)
Ako'y napagod
Biglang naubos at ako'y lumayo

Leron, leron, leron, oh, aking sinta (aking sinta)
Binigay ko ang lahat sa 'yo, kulang pa ba? (Nagkulang ba?)
Masdan mo lang akong mahulog sa sanga ('di sinasadya)
Pagdating sa dulo, ika'y humanap ng iba

Ako'y napagod, biglang naubos (ika'y humanap ng iba)
Ako'y napagod, biglang naubos (kinalimutan ang lahat)
Ako'y napagod, biglang naubos (ako'y naiwang mag-isa)
Ako'y napagod, biglang naubos (isa, isa)

Leron, leron, leron, oh, aking sinta (aking sinta)
Binigay ko ang lahat sa 'yo, kulang pa ba? (Kulang pa ba?)
Masdan mo lang akong mahulog sa sanga ('di sinasadya)
Pagdating sa dulo

Leron, leron, leron, oh, aking sinta (oh-oh-oh)
Binigay ko ang lahat sa 'yo, kulang pa ba? (Kulang pa ba?)
Masdan mo lang akong mahulog sa sanga
Pagdating sa dulo, ika'y humanap ng iba

Ako'y napagod, biglang naubos (ika'y humanap ng iba)
Ako'y napagod, biglang naubos (ika'y humanap ng iba)
Ako'y napagod, biglang naubos
Ako'y napagod, biglang naubos



Credits
Writer(s): Arthur Miguel Quimpo
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link