Pagbilang Ng Tatlo

Oh, tumahan ka na
Ako ay nandito na
Punasan ang iyong luha
Isantabi ang nakaraan

At ang oras ay tumatakbo
Kasabay nito'ng pag bilang ko
Isa, dalawa, tatlo

Bibitaw ang 'yong kamay
At papalayain ang sarili
Sundan mo ang aking gabay
At matatagpuan ang aking himig

Pagbilang ng tatlo
Lahat magbabago

Kahit ilang ulit
Ang pagod at pighati
Sana alam mo pa rin
Ang magmahal dahil

Ang oras ay tumatakbo
Kasabay nito'ng paghilom mo

Bibitaw ang 'yong kamay
At papalayain ang sarili
Sundan mo ang aking gabay
At matatagpuan ang aking himig

Pagbilang ng tatlo
Lahat magbabago

Muling mabubuo
Ang pag-ibig dyan sa puso mo

At muli kang babangon
Ipapakita mo



Credits
Writer(s): Arthur Miguel Quimpo
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link