Ikaw

Paano
Paano magsisimula
Kung laging ikaw ang sigaw
Ng puso, ikaw hanggang dito
Ikaw, ikaw, ikaw

Ba't pa lumayo?
Ako ngayo'y nag-iisa
Sa dilim at walang pag-asa
Dito, baka marinig mo'ng
Sigaw, aking sigaw

Ikaw ang sagot sa mga
Hapdi at kirot na dala
Ikaw ang kumot sa tuwing ako'y nanlalamig
Ikaw ang lunas na kailangan ko pag gising

Ikaw at ako ay isang
Kabanatang hindi natapos at biglang
Pinunit ng panahon, ika'y tinangay roon
At ako ngayo'y naiwanan

Gaano
Gaano kaya kagaan?
Ang buhay sa ibang pahina
Dito, ikaw aking bisyo
Ikaw, ikaw, ikaw

Nadudurog
Luha'y hindi na sapat
Sa mga gabing ikaw ang hanap
Boses mo at ang 'yong yakap
Ang kailangan ko

Ikaw ang sagot sa mga
Hapdi at kirot na dala
Ikaw ang kumot sa tuwing ako'y nanlalamig
Ikaw ang lunas na kailangan ko pag gising

Ikaw at ako ay isang
Kabanatang hindi natapos at biglang
Pinunit ng panahon, ika'y tinangay roon
At ako ngayo'y naiwanan kasama ng piraso mo

Oh
Oh
Oh
Hmm



Credits
Writer(s): Arthur Miguel Quimpo
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link