Huwag Kang Matakot

Huwag kang matakot
'Di mo ba alam, nandito lang ako
Sa iyong tabi?
'Di kita pababayaan kailanman

At kung ikaw ay mahulog sa bangin
Ay sasaluhin kita

Huwag kang matakot na matulog mag-isa
Kasama mo ako
Huwag kang matakot na umibig at lumuha
Kasama mo ako
Huwag kang matakot (huwag kang matakot), ah-ah-ah-ah
Huwag kang matakot
Dahil ang buhay mo'y walang katapusan
Makapangyarihan ang pag-ibig
Na hawak mo sa 'yong kamay (pag-ibig sa 'yong kamay)

Ikaw ang diyos at hari ng iyong mundo
Matakot sila sa 'yo

Huwag kang matakot na matulog mag-isa
Kasama mo ako
Huwag kang matakot na umibig at lumuha
Kasama mo ako

Huwag kang matakot na magmukhang tanga
Kasama mo ako
Huwag kang matakot sa hindi mo pa nakita
Kasama mo ako
Huwag kang matakot (huwag kang matakot), ah-ah-ah-ah

Huwag kang matakot (huwag kang matakot)
'Di mo ba alam, nandito lang ako
Sa iyong tabi? (Huwag kang matakot)
'Di kita pababayaan kailanman

Huwag kang matakot (huwag kang matakot)
'Di kita pababayaan kailanman (halina't tikman ang langit)
Huwag kang matakot (huwag kang matakot)
'Di kita pababayaan kailanman (halina't tikman ang langit)
Huwag kang matakot (huwag kang matakot)
'Di kita pababayaan kailanman (halina't tikman ang langit)
Huwag kang matakot (huwag kang matakot)
'Di kita pababayaan kailanman



Credits
Writer(s): Buendia Ely Eleandre
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link